Naungusan ni Senator Alan Peter Cayetano si Camarines Sur Rep. Leni Robredo sa vice presidential pre-election survey ng Manila Broadcasting Co. (MBC) at ng flagship radio nito na DZRH, nitong Abril 2.

Mula sa 7,950 respondent, nakakuha si Cayetano ng 18.4 na porsiyento ng kabuuang mga boto matapos lampasan si Robredo, na may 17.8%.

Nanguna sa nasabing survey si Senator Bongbong Marcos (29.8%), na sinundan ni Sen. Francis Escudero (22.6%).

Sa naturang survey ng DZRH, natukoy na malakas si Cayetano sa Mindanao, na may 30.2%; kasunod sina Marcos, 22.6%; Escudero, 17.5%; at Robredo, 16%.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Si Cayetano rin ang nangunguna sa Central Visayas, na kinabibilangan ng malalaking lalawigan ng Cebu, Bohol, at Siquijor. Nakakuha si Cayetano ng 36.1%, sumunod sina Escudero, 22.4%; Robredo, 18.1%; at Marcos, 9.2%.

Sa presidentiables, nanguna sa DZRH survey si Davao City Mayor Rodrigo Duterte, na may 36%; kasunod sina Sen. Grace Poe, 28.2%; Vice President Jejomar Binay, 15.2%; Liberal Party bet Mar Roxas, 15.2%; at Sen. Miriam Defensor-Santiago, 3.5%. (Bella Gamotea)