Sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na sinisilip nila ang anggulong “rido” bilang isa sa mga motibo sa likod ng pagdukot sa anim na saw mill operator ng mga miyembro ng Maute Group sa bayan ng Butig, Lanao Del Sur noong Lunes.

Ito ang inihayag ni AFP chief-of-staff Gen. Hernando DCA Iriberri kahapon.

“Tinitingnan natin ang dalawang anggulo, isa ay rido (away ng mga angkan) at ang isa ay tumutulong ang mga biktima sa mga operasyon ng militar. Kinukumpirma pa natin ito,” aniya.

Idinagdag ni Iriberri na wala pang natatanggap ang mga awtoridad na anumang hiling na ransom mula sa mga suspek.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nangyari ang insidente dakong 11:00 ng umaga noong Lunes sa Purok 4, Barangay Sandab.

Tinutukan ng baril at tinangay ang mga biktima na kinilalang sina Tado Hanobas, Buloy Hanobas, Makol Hanobas, Gabriel Hanobas, Adonis Mendez, at isang tinatawag na Isoy. Sila ay pawang empleyado ng saw mill na pag-aari ni Haja Anisa Gunda.

Nakilala ang tatlo sa mga suspek na sina Masuri Mimbantas, Asrap Gunda at Alikasan Panolong, na iniulat na mga miyembro ng Maute Group.

Lahat ng mga biktima ay dinala sa Camp Darul Iman ng parehong barangay. (PNA)