aquino_monaco_05_vinas_070416 copy

Lumagda ang Pilipinas at Monaco sa kasunduan sa economic cooperation at environmental protection sa layuning palakasin pa ang ugnayan ng dalawang bansa.

“His Serene Highness and I exchanged views on a number of bilateral and global issues. We are one in agreeing on the need to further expand cooperation in areas of mutual concern—with the signing of the Framework Agreement for Cooperation a concrete manifestation of this,” sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III sa joint press conference sa Malacañang.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“The agreement will establish a firm foundation upon which further growth in our relations can be achieved, particularly in the areas of economic, scientific, and humanitarian partnerships, and of course environmental protection,” dagdag ni Aquino.

Ang paglalagda sa makasaysayang Philippines-Monaco Framework Agreement for Cooperation ay sinaksihan nina Pangulong Aquino at Prince Albert II ng Monaco matapos ang kanila bilateral talks sa Malacañang. Nilagdaan nina Foreign Affairs Secretary Jose Rene Almendras at Minister of Foreign Affairs and Cooperation of the Principality of Monaco Gilles Tonelli sa isang seremonya sa Palasyo.

Dumating si Prince Albert sa Pilipinas nitong Miyerkules para sa dalawang araw na official visit sa imbitasyon ni Aquino. Ito ang una niyang pagbisita sa bansa bilang head of state at kasabay ng 10th anniversary ng diplomatic relations ng Pilipinas at Monaco ngayong taon.

Sinabi ni Prince Albert, sa kanyang talumpati, na ang talakayan nila ni Pangulong Aquino ay “rich, productive and helpful” upang maging mas malapit ang dalawang nasyon.

Inimbitahan ng nagbibisitang Prinsipe ang mga opisyal ng Pilipiwnas na bumisita sa Monaco upang isulong ang cooperation agreement.

Tinalakay din ng dalawang lider ang mga problemang kapwa kinakaharap ng dalawang banssa, gaya ng climate change, at mahalagang proteksiyon sa kapaligiran.

“Our points of convergence concern environmental matters for future generations and the preservation of our planet based on a sustainable development model,” sabi ng Prinsipe.

Kinilala ni Aquino si Prince Albert bilang “a strong champion for environmental protection and sustainable development.”

Sinabi ni Prince Albert na balak niyang bumisita sa Tubbataha Reefs Natural Park na inilarawan niya na isang “extraordinary marine biodiversity that must be protected by all means.”

Tiniyak ni Aquino na maaaliw ang Prinsipe sa pagbisita nito sa Tubbataha Reefs, ang UNESCO World Heritage Site, na kinilala sa likas na kagandahan at high diversity ng marine life.

Sinamantala ng Pangulo ang pagkakataon upang mapasalamatan ang Monaco sa charity work at humanitarian aid nito matapos ang pananalasa ng bagyong Yolanda.

“Young though our relations may be, the people of Monaco have always been firm friends to our own people,” ani Aquino. (MADEL SABATER - NAMIT)