LIPAS na ang mga panahon na pinapayuhan ang mga batang babae na maglakad habang may nakapatong na libro sa ulo upang maiayos ang kanilang posture. Ngunit hindi nangangahulugan na ang modern-day tendencies na pasalampak na pag-upo, maya’t mayang pagtingin sa cell phone at ang paggamit ng laptop ay hindi nakakasama sa ating posture.
“Think of posture as a set of blocks, which are stable and sturdy when one block is stacked neatly on top of another,” ayon kay Jill Henderzahs-Mason, isang wellness physical therapist sa Mayo Clinic’s Healthy Living Program sa Rochester, Minnesota.
Tips for breaking bad habits
Kinonsulta at hiningan ng payo ng Live Science ang mga eksperto kung paano mababali ang maling nakagawian ng marami sa atin. Narito ang ilan sa kanilang mga payo.
Maya’t mayang pagpapalit ng posisyon, rekomendasyon ni Robertson. Iwasang umupo nang matagal sa iisang posisyon. Gumalaw-galaw sa pagkakaupo. Tumayo o mag-unat-unat sa loob ng 20 minuto, aniya.
Nakaupo man o nakatayo, siguraduhing ang ulo ay nakalinya sa iyong balikat, at ang inyong balikat ay nakalinya sa iyong bewang, pahayag ni Robertson sa Live Science.
Gumawa ng paraan upang hindi maging aligaga ang iyong katawan, ayon kay Henderzahs-Mason. Upang maiwasan ang pagsapo ng cell phone sa isang balikat, gumamit ng speaker phone o headset. Kung ang iyong computer ay maaaring i-adjust, i-set ito sa below eye level para maging komportable ang iyong ulo at balikat.
Kapag may ginagawa naman sa computer, ang taas ng iyong upuan ay kinakailangang akma sa paglapat ng iyong dalawang paa sa sahig habang ang iyong tuhod ay pantay sa iyong bewang.
“Dangling feet are a challenge to maintaining good posture,” pahayag ni Henderzahs-Mason. Hayaang nakaalalay ang sandalan ng upuan sa iyong balakang, o gumamit ng lumbar pillow o nirolyong tuwalya para masuportahan ang iyong likod.
Ang backpack, na wastong naibabahagi sa buong katawan ang timbang ng iyong dala-dala ay mas mainam na alternatibo kaysa book bag o hand bag na isang bahagi lamang ng katawan ang nabibigatan, ayon kay Henderzahs-Mason. Kung hindi maiiwasan ang pagdadala ng book back o hand bag, inirerekomenda ang ilipat-lipat ito sa magkabilang bahagi ng katawan. Isagawa ito upang maiwasan ang muscle imbalances.
Para naman sa mga nagmamaneho, kinakailangang maayos ang pagkakasandal at pagkakaupo upang magkaroon ng pressure sa likod.
I-adjust ang mga salamin, upang hindi na kailangan pang luminga habang nagmamaneho, payo ni Henderzahs-Mason.
“Bucket seats are not your friend, especially on longer road trips,” aniya, “because they keep the spine in a more flexed position, and the strain of this position can work its way up to a person’s neck.”
Komunsulta rin sa physical therapist para sa iyong formal assessment kaugnay sa iyong posture, payo ni Robertson.
“Awareness of your posture is part of the solution to improving it,” ani Robertson. (LiveScience.com)