Mga laro ngayon

(Smart -Araneta Coliseum)

4:15 n.h. -- Phoenix vs Globalport

7 n.g. -- Meralco vs Alaska

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Itataya ng Meralco Bolts ang kapit sa liderato sa pakikipagtuos sa Alaska Aces sa tampok na laro ngayon sa 2016 OPPO-PBA Commissioner’s Cup elimination sa Smart-Araneta Coliseum.

Hawak ang barahang 7-2, haharapin ng Bolts ang Aces na kasalukuyang nasa ikalawang posisyon kasosyo ang San Miguel Beer taglay ang 6-3 marka, ganap na alas-7:00 ng gabi.

Mauuna rito, magtutuos sa unang laro ganap na alas-4:15 ng hapon ang Phoenix Petroleum at Globalport.

Nakopo ng Bolts ang back- to- back win, pinakahuli kontra Mahindra Enforcers sa iskor na 94-86.

Nakabalik naman sa winning track matapos matalo ng dalawang sunod ang Aces makaraang padapain ang Star Hotshots sa kanilang road game noong Sabado sa Davao City, 100-92.

Para kay coach Norman Black, sisikapin nilang manatiling nasa No.1 spot at malaki ang tyansa na magawa ito higit at matikas ang nilalaro ng kanilang import.

“These is completely a different team and we have a different kind of import,” pahayag ni Black, patungkol kay Arinze Onuaku na nanguna upang maitala ang franchise best start na 7-2.

Sa unang laro, tatangkain naman ng Fuel Masters na patuloy na buhayin ang tyansa para sa last quarterfinals berth sa pagtatapat nila ng out of contention ng Globalport.

Hangad ng Phoenix, natalo sa huling laban nila sa Rain or Shine, na makapantay ang Star (4-6) sa ika-7 posisyon sa pagpuntirya ng ika-4 nilang tagumpay.

Samantala, nagkatugon ang matagal nang dalangin ni veteran shooter Gary David n makapagbalik laro nang kunin ng San Miguel ang kanyang serbisyo.

Matatandaang binitiwan ng Bolts ang three-time scoring champion para sa free agency bunsod ng hidwaan niya kay coach Norman Black. Tatanggap si David, may kontrata sa Bolts hangang Agosto, ng P400,000 kada buwan. (Marivic Awitan)