Antoinette, Sylvia, Rayver at Richard Quan copy

MASASAKSIHAN ang kuwento ng katatagan ng isang pamilyang hinarap ang pinakamalaking pagsubok sa kanilang buhay nang mabihag ng isang rebeldeng grupo ang kanilang ama sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (Abril 9).

Tahimik at komportable ang buhay ng mag-asawang Alan (Christopher de Leon) at Liza (Sylvia Sanchez) at ng kanilang mga anak na sina Ana (Antoinette Taus), Jane (Marlann Flores), at Ryan (Rayver Cruz) na may kanya-kanya nang pamilya.

Ngunit nasira ito nang kidnapin sina Alan at Liza ng isang rebeldeng grupo. Nakatakas si Liza, ngunit dinala si Alan sa Basilan bilang isang bihag.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Naging pinakamahirap na panahon sa kanilang buhay ang mga sumunod na buwan dahil kapalit ng kalayaan ni Alan, humihingi ang mga rebelde ng napakalaking halaga nahindi nila kayang ibigay.

Muntik nang sumuko sina Liza at Ryan na babalik pa si Alan, ngunit ipinagpatuloy nina Ana at Jane ang pakikipag-usap sa mga rebelde. Samantala, araw-araw namang nangungulila si Alan sa kanyang pamilya.

Tumagal ng pitong buwan ang negosasyon ng pamilya ni Alan at ng mga rebelde. Paano nabago ng pangyayaring ito ang kanilang pamilya? Nagawa pa kayang lumaya ni Alan mula sa pagkakabihag?

Kasama rin sa upcoming episode ng MMK sina Louise Abuel, Hyubs Azarcon, Kiko Matos, Junjun Quintana, Richard Quan, Ron Morales, Nico Antonio, at Gio Alvarez. Ang episode ay mula sa panulat ni Benson Logronio at sa direksiyon ni Dondon Santos, at panulat ni Benson Logronio.