NEW YORK — Maaaring makaapekto ang pagpupuyat sa pagtanggap ng impormasyon, ayon sa bagong pag-aaral.

Sa nabanggit na pag-aaral, kinumpirma ng mga researcher na ang kakulangan sa tulog ay maaaring makasira sa tinatawag na “selective attention,” o ang abilidad na mag -focus sa partikular na impormasyon kapag ang nakikisabay ang ibang bagay sa iyong mga gawain.

Ang klasikong halimbawa ng mga pangyayari na kinakailangan ng atensiyon ay ang cocktail party, ayon kay Eve Wiggins, dating estudyante ng Willamette University sa Oregon at lead researcher ng nasabing pag-aaral.

Ang selective attention ay ang kakayahan na mag-focus sa taong iyong kausap sa party, kahit na naririnig mo rin ang boses ng iba pang mga tao sa party, aniya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa nasabing pag-aaral, nais malaman ng researchers kung paano makaaapekto ang pagpupuyat sa abilidad na makapag-focus.

Upang magawa ito, hinati-hati nila ang mga partisipante sa dalawang grupo — ang control group na binubuo ng 10 tao na inatasang matulog sa kinagawiang oras, at iba pa ay sleep-deprivation group na binubuo ng walo katao na hindi natutulog sa loob ng 24 oras.

Pagkatapos nito, ang mga kalahok ay inatasang makinig sa dalawang magkaibang istorya sa kaparehong oras, ang bawat kuwento ay pinakikinggan ng magkabilang tenga. Ang istorya ay may kanya-kanyang narrator at nilalaman. Habang inilalahad ang istorya, sinukat ng mga researcher ang brain activity ng mga partisipante.

Sinabihan ang mga kalahok na ang kanilang goal ay pagtuunan ang isa sa mga istorya. Napag-alaman ng researcher na mas naging madali para sa control group na umintindi at magbigay atensiyon sa impormasyong kanilang naririnig kumpara sa grupo na walang sapat na tulog.

Lumalabas sa brain activity na ang mga taong nasa control group ay nakapagbigay ng sapat na atensiyon sa isang bagay habang may naririnig na iba pang impormasyon, sinabi ni Wiggins sa Live Science nitong Abril 3, sa Cognitive Neuroscience Society’s annual meeting. (LiveScience.com)