WASHINGTON (AFP) – Tinawag ni US President Barack Obama nitong Martes na “half-baked” ang plano ni Donald Trump na puwersahin ang Mexico na magbayad para sa border wall sa pamamagitan ng pagpigil sa remittace ng mga Mexican.

Nangako ang Republican frontrunner na magtatayo ng pader para mapuwersa ang Mexico na sagutin ang tinatayang $8 billion bill na sentro ng kanyang binabatikos na kampanya para masungkit ang US presidency.

“This is just one more example of something that is not thought through and is primarily put forward for political consumption,” sabi ni Obama sa isang news conference, bilang tugon sa propaganda ni Trump.

“The notion that we’re going to track every Western Union bit of money that’s being sent to Mexico: good luck with that,” aniya.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'