Isa ang namatay at dalawa pang katao ang naospital makaraang malason sa pinulutang karne ng pawikan sa Ilocos Norte, iniulat kahapon.

Kinumpirma ni Dr. Wally Samonte, ng Bangui District Hospital sa Ilocos Norte, na tatlong katao ang nabiktima ng food poisoning matapos kumain ng pawikan nitong Miyerkules ng umaga. Isa ang idineklarang patay nang isugod sa pagamutan habang umabot pang buhay ang dalawa ngunit kritikal ang isa.

Batay sa nakuhang impormasyon ng Bangui Municipal Police Station (BMPS), ang mga hindi pinangalanang biktima ay huling nakitang namumulutan ng karne ng pawikan habang nag-iinuman. (Fer Taboy)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?