ANG state of calamity na sumasakop sa ilang lugar ng Mindanao, partikular na sa probinsiya ng Kidapawan, North Cotabato, ay inisyu upang bigyang-pansin ang problema ng mga magsasaka na naghihirap sa matinding pagsubok dulot ng El Niño.
Nagsusumamo ang mga gutom na magsasaka sa mga awtoridad upang may makain ngunit sila ay binalewala at sa halip ay pinaulanan sila ng bala.
Ang pagkabigong mapalayas ang 6,000 magsasaka, binarikadahan ng kanilang pamilya, kabilang na ang mga bata, ang Davao-Kids-pawan highway. Sila ay nagsama-sama para sa kanilang matinding pangangailangan.
Sinubukan silang paalisin ng mga pulis at iba pang awtoridad.
Bilang resulta, tatlong magsasaka ay napatay at daan-daan pa ang nasugatan. Isa itong karumaldumal na trahedya. Ang mga magsasaka na nag-alag ng mga lupain sa loob ng ilang henerasyon upang buhayin ang kanilang pamilya at siguruhin ang kanilang mga pagkain ay naging dahilan ng hindi makatarungang karahasan.
Ikonsider na lamang na ang deklarasyon ng state of calamity sa mga provincial government ng Cotabato ay nagbibigay ng karapatan kay Gov. Emmylou Talino Mendoza na magamit ang kanyang mga resources, at ikonsidera na rin na si Agriculture Secretary Proceso Alcala ay naiulat na naglabas ng malaking halaga upang mapagaan ang kondisyon ng mga gutom na magsasaka, walang dahilan para mangyari ang karahasan. Maging ang mga inihandog na pagkain ng aktor na si Robin Padilla, at iba pang donor ay hindi natanggap ng mga magsasaka dahil sa pagharang ng mga pulis at ni Gov. Mendoza.
Sa kabila ng pagtanggi ni Pangulong Aquino na magbigay ng komento sa nangyari sa mga magsasaka sa Kidapawan, nalulungkot ang Human Rights Commission sa pangunguna nina Chairman Chito Gascon, isang human right champion at Commissioner Gwen Pimentel.
Isa pang insidente na kinasangkutan ng mga pulis noong Nobyembre 16, 2004. Matatandaang pinagbabaril din ng mga pulis at sundalo ang mga magsasaka sa Hacienda Luisita, pag-aari ng mga Cojuangco sa Tarlac.
May iba pang insidente kung saan pinagpapatay ng mga sundalo at pulis ang mga magsasaka. Sa kaso ng Hacienda Luisita kung saan 14 na magsasaka ang napatay dahil sa pagpoprotesta dahil hindi nasunod ng Hacienda Luisita ang Comprehensive Agrarian Reform Program, ay isa sa mga trahedyang hinding-hindi mabubura sa ating kasaysayan.
(Johnny Dayang)