ROMtattoos copy

Isang malaking karatula na nagtatampok sa pinakamatanda at maalamat na tattoo artist sa Pilipinas, si Apo Whang-od, ang tumatanggap sa publiko sa Royal Ontario Museum sa Toronto, Canada para sa “Tattoos: Ritual. Identity. Obsession. Art.” exhibition.

Ayon sa website ng art exhibit, layunin nitong galugarin ang “5,000-year-old multifaceted world of tattooing”.

Nag-aalok ito ng “visual history of body art and markings, ancient tools, and commissioned tattooed silicone body reproductions, inked by some of the most respected tattoo artists in the contemporary world”, mababasa sa website.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Masisilip ang exhibit mula Abril 2 hanggang Setyembre 5, 2016. Una itong itinanghal sa Paris at prinodyus ng Musée du Quai Branly.

Si Whang-od, kilala rin bilang Fang-od Oggay, ay 97-anyos at ang huling nabubuhay na hand-tap tattoo artist (tinatawag ng mga lokal na “mambabatok”) sa Kalinga, Cordillera.

Itinuturing siyang bayani sa kanyang tribu dahil sa pagsisikap niyang panatilihing buhay ang nanganganib malimot na art tradition ng mga Butbut. (Tessa Distor)