Isinulong ni presidential aspirant Senator Grace Poe ang pagpopondo ng gobyerno sa voluntary human immunodeficiency virus (HIV) test para sa mga ikakasal upang mabawasan ang pagtaas ng antas ng HIV infection sa bansa.

Ipinanukala ito ni Poe matapos ipasa ang Turkmenistan ang batas sa mandatory HIV test bago ang pagpapakasal.

“Kung kaya ng gobyerno na sustentuhan pati iyung mga mahihirap na kumuha ng HIV test bago magpakasal bakit hindi? Sa tingin ko dapat isa itong boluntaryong bagay na ginagawa ng dalawang gustong magpakasal. Magpa-test tayo ‘di ba kung ganoon para magkaroon ng proteksiyon,” pahayag ni Poe habang nangangampanya sa Catarman, Northern Samar.

(Charissa Luci)

Pelikula

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!