Kumpiyansa ang pamunuan ng Pacific X-Treme Combat na magpapatuloy ang pagtanggap sa mixed martial arts bilang isang lehitimong sports na may malaking tyansa ang Pinoy na mangibabaw sa international championship.

Para kay Rolando Dy, anak ng dating boxing champion na si Rolando Navarette, nakakapantay na ang MMA sa popularidad ng boxing sa masang Pinoy.

Tatampukan niya ang fight card ng PXC Combat 53 laban kay Koyomi Matsushima ngayon sa Solaire Grand Ballroom.

“Manny (pacquiao) is retiring, so it’s not just me, but sa lahat ng Filipino MMA fighters, we must rise,” sambit ni Dy.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“Ipakilala natin yung sport na hindi lang yung boxing [tayo] nakikilala ng mundo.”

“Kailangan mas angatan pa natin ang boxing,” ayon sa 24-anyos na fighter.

Isa si Dy sa walong Pinoy na sasabak sa 9-fight card na tatampukan nang sagupaan sa pagitan nina Swedish Zebastian Kadestam at Glenn Sparv ng Finland.

Mapapalaban si Dy, nagwagi kay Miguel Mosquera via unanimous decision nitong Enero, laban sa wala pang talong karibal.

“I know we can excel if mayroon tayong proper training, proper knowledge, and support ng government,” pahayag ni Dy, tangan ang 6-4 karta.

“I think we can be the best MMA fighters in the world like in boxing if those three ma-i-provide sa atin,” aniya.