Kinasuhan kahapon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng tax evasion ang real estate developer na si Delfin Lee kaugnay ng umano’y maanomalyang P6-bilyon housing project nito sa Pag-IBIG Fund noong 2008.

Paliwanag ng BIR, nilabag ng G.A. Concrete Mix Inc. (GACMI) at ng mga corporate officer, ang mag-amang Delfin at Dexter Lee, presidente at treasurer ng nasabing kumpanya, ang National Internal Revenue Code (NIRC) dahil sa pagtatangkang umiwas sa pagbabayad ng buwis at pagkabigong magbigay ng tamang impormasyon tungkol sa kanilang corporate income tax returns noong 2009-2010.

Natukoy sa record ng Information Systems Development and Operations Service (ISDOS) ng BIR na nagbayad ng income sa GACMI ang Globe Asiatique Realty Holdings Corporation (GARHC) na nagkakahalaga ng P34.06 milyon noong 2009, at P15.31 milyon noong 2010.

Gayunman, aabot lang sa P13.40 milyong kita ang idineklara ng GACMI noong 2009, at P10.63 milyon naman noong 2010.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Sinabi ng BIR na aabot sa P20.50 milyon ang hinahabol nilang buwis sa GACMI, kabilang na ang surcharges at interests. (Rommel P. Tabbad)