Mismong si Timothy Bradley, Jr. ang nag-endorso para kay Manny Pacquiao bilang Senador ng Pilipinas.
Sa isinagawang press conference, hinimok ni Bradley ang mga Pilipino na iboto ang kanyang karibal sa 12-man Senate Seat sa darating na halalan sa Mayo 9.
“He has shown over and over he is for the Filipino people and that he is a man of his word,” ani Bradley. “He has character, integrity, and I think he’s the right man for the job,” dagdag ni Bradley.
Magtutuos ang dalawa sa ikatlong pagkakataon sa Abril 9 (Abril 10 sa Manila).
Sinabi rin ni Bradley na masaya siya sa political career ni Pacquiao at umaasa siyang mas magiging matagumpay ang kanyang paglilingkod bilang senador.
“So good luck in your campaign,” pahayag ni Bradley kay Pacquiao. “I hope it works out best for you, and I hope you truly, truly win.”
Ikinatuwa naman ni Arum ang naging pahayag ni Bradley na aniya’y nagpapakita lamang ng kagandahang loob nito at malasakit sa kapwa.
“It blew me away,” sambit ni Arum.
“Never in 50 years in this business have I heard a thing like it. You have two guys in a big fight and one of them gets up and does a campaign speech for his opponent. It was unbelievable and shows what a class act Timothy Bradley really is.”