PHILADELPHIA (Reuters) – Nakayukong hinarap ni Bill Clinton sa loob ng sampung minuto ang mga nagpoprotesta sa presidential campaign rally sa Philadelphia para sa kanyang asawang si Hillary Clinton, kaugnay sa mga batikos sa 1994 crime bill na kanyang inaprubahan habang siya ay pangulo na nagbunga ng pagtaas ng bilang ng mga nakukulong na mamamayang itim.

Kumalat ang video footage ni Hillary Clinton na ipinagtatanggol ang panukalang batas noong 1994 sa pagtawag sa mga sangkot sa gang na “super predators” na kailangang “be brought to heel” sa kampanya ng mga aktibistang kabilang sa Black Lives Matter protest movement.

“I don’t know how you would characterize the gang leaders who got 13-year-old kids hopped on crack and sent them out on the street to murder other African-American children,” aniya. “Maybe you thought they were good citizens. She didn’t,” depensa ni Bill.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'