TARLAC CITY – Nagbigiti ang isang lalaking nakadetine sa kasong robbery sa Tarlac Provincial Jail kahapon.

Kinilala ang detainee na si Arjay Motin, 27, may-asawa, ng Barangay Sta. Rosa, Concepcion, Tarlac. Siya ay nahaharap sa Criminal Case Number 15-5884 sa Regional Trial Court, Branch 66, Capas, Tarlac.

Batay sa ulat nina Provincial Guards-1 Albert Gagarin at Dale Castillo sa Police Community Precinct 6 ng Tarlac City, nadiskubre ng mga kapwa bilanggo ang bangkay ni Motina na nakabitin sa comfort room ng isang selda.

Napag-alaman na magmula nang madetine si Motin ay palagi na lamang itong malungkot at malayo ang tingin.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

(Leandro Alborote)