PALAYAN CITY – Masaklap na trahedya ang sinapit ng isang pamilya makaraang malunod ang kanilang bunso sa isang resort sa Barangay Santolan ng lungsod na ito noong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ng Palayan City Police ang biktima na si Edison Ferrer y Garay, 7, residente ng Bgy. Popolon, ng lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO2 Joel Fidel Libres, dakong 2:30 ng hapon nang magtungo sa Leila Lartz Resort ang mag-ina kasama ang ilang kaanak. Bandang 5:30 ng hapon nang mapansin na nawawala si Edison hanggang sa makita na lamang siyang nakalutang sa 4-5 talampakang swimming pool.

Kaagad isinugod sa Integrated City Health Office ang biktima subali’t idineklarang dead-on-arrival.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

(Light A. Nolasco)