Sinibak sa puwesto ang 10 tauhan ng Mangaldan Municipal Police Station matapos hindi tumugon sa reklamong nakawan sa Barangay Gueguesangen, Mangaldan, Pangasinan noong Semana Santa.

Sinabi ni Supt. Jackie Candelario, deputy director for operations ng Pangasinan Provincial Police Office (PPPO), nahaharap kasong pagpapabaya sa tungkulin ang 10 pulis na hindi na muna pinangalanan.

Iniimbestihan rin ang hepe ng MMPS na si Supt. Benjamin Ariola kaugnay sa nasabing kaso.

Ayon sa PPPO, kapag napatunayang nagpabaya sa trabaho ang 10 pulis ay maaari silang masuspinde o masibak sa serbisyo. (Fer Taboy)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?