Nakipagpulong si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Joel Pagdilao sa mga transport group leader na nasa ilalim ng Philippine National Transport Organization sa NCRPO headquarters sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City.

Dakong 11:00 ng umaga nang pag-usapan ng awtoridad at mga leader ng transport group ang mga hakbangin sa implementasyon ng kampanya kontra krimen na ipatutupad sa buong Metro Manila.

Layunin ng nasabing pulong na tiyakin ang kaligtasan ng publiko laban sa masasamang elemento na naglipana pa rin sa mga lansangan sa Metro Manila.

Malaki ang maitutulong sa pulisya ng masusing pagtutulungan at ugnayan ng sektor ng transportasyon upang masawata ang mga mangyayaring krimen sa lansangan.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Una nang nagkaroon ng inisyal na diyalogo o konsultasyon sa pagitan ng transport group leaders at ng NCRPO, pero nais pa rin ng awtoridad na mapalawak pa ang koordinasyon ng bawat panig para sa kaligtasan at seguridad ng publiko.

Samantala, pinagdudahan naman ang pakikipagpulong ng NCRPO sa mga leader ng transport group, na posible umanong may kinalaman sa eleksiyon sa Mayo 9. (Bella Gamotea)