INAASAHANG higit na mag-iinit ang labanan sa taunang selebrasyon ng Aliwan Fiesta sa paglahok ng 18 naggagandahang dilag sa timpalak ng Reyna ng Aliwan, na gaganapin sa maningning na mga pagtatanghal sa ika-15 at 16 ng Abril.
Inilahad na ng Manila Broadcasting Company ang listahan ng mga kalahok sa timpalak ng taong ito, na suportado muli ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas at ng mga lungsod ng Maynila at Pasay.
Ipapadala ng Baguio si Andrea Fe Gomez, at magiging kinatawan naman ng lalawigan ng Laguna si Airish Mae Yamamoto.
Mga mutya naman ng Quezon sina Coralin Resurreccion ng Sariaya at Rechelyn Dionco ng Catanauan. Dalawa rin ang kinatawan ng Ilolo, sina Jhoanne Tañada para sa Dinagyang Festival at Christel Marie Layson naman ng Paraw Regatta ng Dumaguete. Ang pambato naman ng Catbalogan City ay si Lou Dominique Piczon.
Mula sa Min danao, nagparehistro na sina Reasel Ann Halagna ng Zamboanga Hermosa Festival, at dala naman ni Jeanebeth Sedavia ang pag-asa ng mga taga-Midsayap, North Cotabato para sa Kalibungan Festival.
Ang 2016 Aliwan Fiesta ay handog ng Manila Broadcasting Company, Star City, at Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, kasama ang mga lungsod ng Maynila at Pasay. Suportado ito ng Globe Telecom, Tanduay, Alaska, Coca-cola, Pride Detergent, Unique Tootpaste, Shiel Bath Soap, Columbia Candies, Cherry Mobile, Fukuda, AICS, GES Led Lights, Bayview Park Hotel, Robinsons Place Ermita, at Hotel Jen.
Para sa karagdagang detalye ukol sa mga gaganapin sa Aliwan Fiesta, maaaring tingnan ang kanilang official Facebook page o ang kanilang website na www.aliwanfiesta.com.ph.