Sinabi ng Supreme Court (SC) nitong Martes na sa Sabado ilalabas ang desisyon nito sa motion to reconsider sa pagpapahintulot na kumandidato si Sen. Grace Poe sa pagkapangulo sa halalan sa Mayo 9.

Inaasahang reresolbahin ng SC ang mga motion for reconsideration na inihain ng Commission on Elections (Comelec) at ang mga isinampa ng mga complainant na si dating Senator Francisco Tatad, ng abogadong si Estrella Elamparo, ng dating Law Dean Amado Valdez, at ng propesor na si Antonio Contreras.

Marso 8 nang nagpasya ang SC na nakagawa ang Comelec ng grave abuse of discretion sa pagdidiskuwalipika kay Poe sa batayan na nagkulang ito sa 10-year residency at hindi natural-born Filipino.

Sa motion for reconsideration nito, sinabi ng Comelec na dapat na muli itong talakayin ng SC at magdaos ng isa pang botohan sa mga petisyong inihain ni Poe.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Ipinunto ng mosyon na batay sa dissenting opinion ng ilang mahistrado, hindi nagkaroon ng majority vote sa isyu ng citizenship ni Poe.

“Hence, there is no factual or legal basis for the ruling that the petitioner is a qualified candidate for president in the 9 May 2016 national elections,” diin nito. (Rey Panaligan)