ROME (Reuters) – Tumaas ang presyo ng mga pagkain sa buong mundo nitong Marso, sa pagmahal ng asukal at mantika kumpara sa bumabang presyo ng dairy products, inihayag ng United Nations food agency nitong Huwebes.

Inilista ng Food and Agriculture Organization’s (FAO) food price index, na sumusukat sa buwang pagbabago para sa basket ng mga cereals, oilseeds, dairy products, karne at asukal, sa 151.0 puntos ang average nitong Marso laban sa pababang 149.5 puntos noong Pebrero.

Nananatili pa ring malapit ang index sa seven-year low matapos ang apat na magkakasunod na taunang pagbaba.

Inilabas ng FAO ang unang forecast nito para sa cereals output ng mundo noong 2016-17 sa 2.521 bilyong tonelada, na magiging 4 milyon toneladang mas mababa kaysa antas noong nakaraang taon ngunit third-highest performance on record pa rin.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang presyo ng mga pagkain sa mga pandaigdigang pamilihan nitong Marso ay halos 12 porsiyentong mas mababa kaysa nakalipas na mahigit isang taon, ayon sa FAO.