Tanggap ng Philippine National Police (PNP) ang desisyon ng Office of the Ombudsman na kasuhan ang dati nitong hepe na si Alan Purisima at si ex-Special Action Force (SAF) commander Getulio Napeñas, na isang hakbang tungo sa pagtatamo ng hustisya para sa 44 na nasawing police commando.

Ngunit nagpahaging si Chief Supt. Wilben Mayor, PNP spokesman, na may nawawalang parte sa legal action laban sa dalawang dating heneral ng pulisya dahil wala pang malinaw na aksiyong legal laban sa mga responsable sa pagkamatay ng mga SAF commando.

“On the part of the PNP, the justice that we seek is to punish those who are really responsible for the death of the SAF 44 heroes,” ani Mayor.

Ang tinutukoy ni Mayor ay ang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter at ng Moro Islamic Liberation Front na sangkot sa pag-atake sa mga pulis at sa mga sumunod na pamamaslang.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang kasong kinasasangkutan nina Purisima at Napenas, ayon kay Mayor, ay may kaugnayan sa command responsibility.

Magugunitang nakitaan ng Board of Inquiry ng pulisya ng pananagutan ang dalawang sa usapin ng command responsibility, partikular na sa aspeto ng pagpapaalam kina noo’y Officer-In-Charge Leonardo Espina at noo’y Interior Secretary Mar Roxas. (AARON B. RECUENCO)