Tinanggihan ng Supreme Court (SC) nitong Martes ang plea for oral arguments na hiniling ng ilang petitioner na humahamon sa implementasyon ngayong school year ng Kto12 enhanced education program na nagdadagdag ng dalawang taon sa apat na taong high school education.

Sa halip, inobliga ang mga partido sa kaso na magsumite ng kani-kanilang memoranda sa loob ng non-extendible period na 20 araw mula sa pagtanggap sa notice.

Ito ang inihayag ni SC Spokesman Theodore O. Te sa press briefing sa Baguio City, na rito idaraos ng kataas-taasang korte ang summer session nito ngayong buwan.

Muling iginiit ng grupo ng mga magulang at guro sa Manila Science High School (MSHS) ang plea for oral argument.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa mosyon, hiniling ng grupo sa SC na agad resolbahin ang lahat ng petisyon sa Kto12 program.

Nauna rito, hindi naglabas ang SC ng temporary restraining order (TRO) na pipigil sa implementasyon ng Kto12 program ngayong taon. (Rey Panaligan)