Maaari na ngayong maghain ng petisyon ang mga manggagawa sa Metro Manila para sa panibagong pagtataas ng minimum wage makaraang magtapos nitong Lunes ang isang-taong moratorium sa umento sa National Capital Region (NCR).

Inihayag ng Department of Labor and Employment (DoLE) na nag-isang taon na nitong Abril 4, 2016 ang Wage Order No. NCR-19., ang huling wage order na ipinatupad sa Metro Manila.

Sa isang text message, sinabi ni DoLE-NCR officer-in-charge Director Nelson Hornilla na wala pang natatanggap na anumang petisyon para sa umento ang kagawaran.

Sinabi naman ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na posibleng magsumite sila ng wage petition ngayong Huwebes.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

“We are filing within the week...my target is to announce it by Thursday...It needs approval first of TUCP general council,” sinabi kahapon ni TUCP Spokesperson Alan Tanjusay.

Hindi binanggit ni Tanjusay ang umentong hihilingin nila, pero sinabing ito ay “very substantial and it could be the highest of all time.” (Samuel P. Medenilla)