BEIJING (Reuters) – Sinimulan na ng China ang pagpapagana sa parola sa isa sa mga artipisyal na isla nito sa South China Sea malapit sa pinaglayagan nitong nakaraang taon ng isang barkong pandigma ng U.S. para hamunin ang pag-aangkin ng China sa teritoryo.

Sinasakop ng China ang halos kabuuan ng tubig sa South China Sea na mayaman sa langis, at dinaraanan ng halos $5 trillion kalakal na sakay ng barko bawat taon. Ngunit inaangkin din ng Brunei, Malaysia, Pilipinas, Taiwan at Vietnam ang iba’t ibang lugar dito.

Nagdaos ng “completion ceremony” ang transport ministry ng China upang markahan ang pagsisimula ng operasyon sa 180 talampakang taas na parola sa Subi Reef, na sinimulang itayo noong Oktubre, iniulat ng state news agency Xinhua nitong Martes ng hapon.

Ang Subi Reef ay isang artipisyal na islang itinayo ng China nitong nakalipas na taon.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Bago ito ginawang isla sa paghuhukay ng mga Chinese, ang Subi ay nakalubog tuwing high tide. Sa ilalim ng U.N.

Convention on the Law of the Sea, hindi maaaring ibigay ang 12-nautical-mile limits sa paligid ng mga man-made island na itinayo sa isang dating bahura.

Mayroon ding lighthouse projects ang China sa dalawa pang bahura sa lugar – sa Cuarteron Reef at Johnson South Reef.