ANG Buwan ng Pilgrimage ngayong Abril ay isang espesyal na panahon para sa mga Pilipino Katoliko upang hilingin ang mga biyaya ng Diyos at papaglalimin ang kanilang espirituwalidad, sa pamamagitan ng mga panalangin, pagninilay, at pagbisita sa mga simbahan at mga shrine. Ang relihiyosong tradisyon ay higit na mahalaga ngayong taon dahil sa pambihirang Jubilee Year of Mercy na ginugunita simula Disyembre 8, 2015, hanggang Nobyembre 20, 2016. May motto na “Compassionate like the Father,” nagsimula ang Year of Mercy nang buksan ni Pope Francis ang “Holy Door” ng St. Peter’s Basilica noong Disyembre 8, 2015, na naghudyat sa pagbubukas ng Banal na Pintuan sa mga pilgrim sa mga cathedral at mga simbahan sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sinabi ni Pope Francis: “The practice of pilgrimage has a special place in the Holy Year, because it represents the journey of us makes in this life. Life itself is a pilgrimage, and the human being is aviator, a pilgrim traveling along the road, making his way to the desired destination.”
Ang pilgrimage para sa Year of Mercy, na nagsimula nitong Miercoles de Ceniza (Pebrero 10, 2016), ay tinatampukan ng pagsamba at meditasyon, pamimitagan ng Jubilee Cross, at pagsasagawa ng mga rituwal para magtamo ng kapatawaran.
Tumatanggap ng kapatawaran ang mga Katoliko, na nag-aalis sa kaparusahan sa ating mga kasalanan, sa pagsasagawa ng pilgrimage sa isang jubilee church o shrine o pagpasok sa Banal na Pintuan na itinalaga ng kanilang lokal na obispo ng kanilang bansa. Para sa mga Pilipinong Katoliko, ang mga aktibidad na ito ay dagdag sa kanilang taunang paglalakbay sa mga popular na pambansa at Marian shrine at simbahan sa buong panahon ng buwan ng pilgrimage.
Ang Metro Manila ay may limang pilgrim church para sa Year of Mercy: ang Manila Cathedral sa Intramuros, ang Sacred Heart National Shrine sa Makati City, ang Divine Mercy Shrine sa Mandaluyong City, ang Sanctuario de Sto. Cristo sa San Juan City, at Lady of Sorrows Parish sa Pasay City. Matatagpuan din sa iba’t ibang panig ng bansa ang mga jubilee church.
Dahil malaking bahagi ng populasyon ay Katoliko, ang Pilipinas ay nasa mapa ng turismo bilang isang banal na lugar ng pilgrimage. Ang ilan sa pinakamatatanda at pinakamagagandang simbahan ay itinayo sa Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol. Ang apat na UNESCO World Heritage Philippine Baroque Churches – ang San Agustin Church sa Intramuros; Nuestra Senora de la Asuncion sa Sta. Maria, Ilocos Sur; Sto. Tomas de Villanueva sa Miag-ao, Iloilo; at San Agustin Church sa Paoay, Ilocos Norte – ay itinayo noong ika-16 hanggang ika-18 siglo.
Nakikibahagi ang mga lokal at dayuhang deboto at pilgrim sa taunang paglalakbay at mga relihiyosong paglilibot sa mga national shrine, gaya ng Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo, Lady of Manaoag sa Pangasinan, Padre Pio sa Batangas at Quezon City, Divine Mercy sa Bulacan, Lady of Piat sa Cagayan, Lourdes Grotto sa San Carlos Seminary, Carmel at Lady of Mediatrix sa Batangas, Kamay ni Jesus sa Quezon, Black Nazarene sa Quiapo, Lady of Caysasay sa Taal, Perpetual Help sa Baclaran, Lady of Penafrancia sa Bicol, at Basilica del Sto. Nino sa Cebu. Maraming mananampalataya ang bumibisita sa mga ito dahil sa paniwalang nabibigyang kasagutan ang kanilang mga panalangin at nagkakaroon ng katuparan ang mga hiling na milagro.