Dahil sa banta na pasasabugin ang New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, muling ikinasa ng mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang ika-27 “Oplan Galugad”, kahapon ng umaga.

Ayon kay NBP Supt. Richard Schwarzkopf Jr., sinuyod ng awtoridad ang mga selda sa Building 6 ng Quadrant 4, sa Maximum Security Compound ng NBP.

Nakumpiska ng awtoridad ang isang kalibre .45 na baril, mga patalim, mahigit 200 piraso ng bala ng iba’t ibang kalibre ng baril, cellphone, sangkaterbang casing ng cell phone, LCD at baterya na hinihinalang ibinibenta ng mga inmate sa kapwa nila preso sa loob ng NBP.

Ilan din sa mga inmate ang nagsuko ng apat na canister na maaaring magamit sa paggawa ng improvised na bomba at isang laruang granada na gawa sa paper mache.

National

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026

Inihayag ni Schwarzkopf nitong Lunes nakatanggap ng impormasyon ang NBP Intelligence Unit kaugnay sa bantang pagpapasabog o hahagisan ng granada ang loob ng piitan kapag isinagawa ang Oplan Galugad.

Iginiit ng opisyal na lahat ng mga banta ay kanilang siniseryoso bilang bahagi ng paghihigpit ng seguridad sa NBP kahit may posibilidad na pananakot lamang ito. (Bella Gamotea)