Nananawagan ang isang kongresista sa maimpluwensiyang Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), ang umbrella organization ng mga gobernador at iba pang lokal na opisyal, at mga opisyal ng barangay, na isama ang mga kinatawan ng Indigenous Peoples (IPs) sa kanilang pederasyon upang matiyak na mapoprotektahan ang interes ng mga ito.

Ginawa ni ANAC-IP Party-list Rep. Jose T. Panganiban, Jr. ang panawagan dahil sa kasalukuyan, ang mga programa at aktibidad ng ULAP ay nakatuon lang sa mga interes ng mga lokal na pamahalaan, at limitado sa cultural communities.

“To promote more efficient and effective networking and consensus building to address issues on local authority and governance, the ULAP must include in its umbrella organization the representatives of the IPs,” sabi ni Panganiban, vice chairman ng House Committee on Indigenous Cultural Communities And Indigenous Peoples, at ng Committee on National Cultural Communities. (Bert de Guzman)

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso