OSLO (Reuters) – Inilalagay sa panganib ng industrial activity gaya ng pagmimina at pagtotroso ang halos kalahati ng natural World Heritage sites ng mundo, mula sa Great Barrier Reef ng Austalia hanggang sa Inca citadel ng Machu Picchu sa Peru, inihayag ng WWF conservation group nitong Miyerkules.
Hinimok nito ang mga kumpanya na dinggin ang mga apela ng U.N. at ideklara ang lahat ng heritage sites na “no go” areas para sa oil at gas exploration, pagmimina, unsustainable timber production at over-fishing.
May kabuuang 114 na World Heritage sites mula sa 229 sa buong mundo ang itinatangi dahil sa kanilang kalikasan o pinaghalong kalikasan at kultura ang nanganganib, ayon sa pag-aaral ng WWF at Dalberg Global Development Advisors, isang U.S.-based consultancy.
“This is staggering. We’re trying to raise a flag here,” sabi ni Marco Lambertini, director general ng WWF International, sa Reuters. “We’re not opposing development, we’re opposing badly planned development.”
Mas mataas ang tuklas ng WWF kaysa 18 natural sites na inilistang “in danger”, nasa mas malalang kondisyon, ng World Heritage Committee ng U.N. cultural agency na UNESCO.
Ang iba pang nanganganib na site ay kinabibilangan ng Everglades sa United States, Galapagos islands sa Ecuador o Kamchatka volcanoes sa Russia, ayon dito. Sa mga listahang ito, tanging ang Everglades ang iniranggong “in danger” ng Heritage Committee.
Sinabi ng WWF study na mahigit 11 milyong katao ang umaasa sa mga heritage site para sa kanilang pagkain, inumin, tirahan at medisina.
Panaghoy ni Lambertini, madalas binabalewala ang economic value ng kalikasan, kahit na ang mga lugar na ito ay lumikha ng mga trabaho, halimbawa mula sa ecotourism na nagkakahalaga ng bilyun-bilyong dolyar.
“Nature continues to be taken for granted,” aniya.