Ipinag-utos ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang paghahain sa Sandiganbayan ng mga kasong graft at corruption laban kay dating Cebu Governor Gwendolyn Garcia at sa 11 iba pa na umano’y responsable sa maanomalyang pagbili ng architectural at engineering design para sa Cebu International Convention Center (CICC) noong 2006.

Nahaharap si Garcia sa 11 bilang ng paglabag sa Section 3 ng RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), habang ang mga miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC) na sina Eduardo Habin, Roy Salubre, Cristina Gianco, Adolfo Quiroga, Necias Vicoy, Jr., Emme Gingoyon, Glenn Baricuatro, Bernard Calderon, Marino Martinquilla, at Eulogio Pelayre, ay kinasuhan ng multiple counts of graft.

Kabilang din sa mga kinasuhan si Willy Te, bise presidente ng WT Construction Inc. (WTCI).

Ayon sa records, alternatibo at walang public bidding ang paraan ng pagbili ng pinakamatataas na opisyal ng lalawigan sa P16.8-milyon architectural at engineering design contract, P307-milyon sa pinagsamang structural steel contracts, P59 milyon sa mga kaugnay na pagawain, P7.5-milyon metal cladding contract, P1.8-milyon structural cabling system, P3.6-milyon fire protection/sprinkler system, P3.4-milyon glass works, at P26.5-milyon air-conditioning contracts. (Jun Ramirez)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito