CHARO LANG_please crop copy copy

PINARANGALAN si Charo Santos-Concio nitong nakaraang Lunes ng Rotary Club ng Makati ng Rotary Peace Award para sa taong 2016.

Nang tanggapin ang award, sinabi ni Charo na patuloy sa pagsisikap ang ABS-CBN para makapaghatid ng mga positibong mensahe para sa ikabubuti ng buhay ng mga manonood at naniniwala sila na nagsisilbing daan patungo sa kapayapaan ang media.

“We try to motivate people to realize their potential and find their passion so that they can become the best that they can be, and in turn do something not just for themselves but also for the greater good,” sabi ni Charo. “In a conflict, the media doesn’t take sides. But it must always make a stand. We must always stand for fairness, understanding, respect for human rights and a peaceful resolution.”

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Malaki ang kontribusyon ni Charo sa status ng ABS-CBN ngayon bilang pinakalamaki at nangungunang media at entertainment company sa Pilipinans. Ang de-kalidad na mga programa ng Kapamilya Network ang itinuturing na benchmark ngayon sa broadcasting at entertainment industry.

Sa pagtanggap ni Charo sa Rotary Peace Award, napahanay na siya kina dating Pangulong Fidel V. Ramos (2000), Cardinal Sin (2001), Gina Lopez (2003), Fr. James Reuter, SJ (2004), Tony Meloto (2008), Philippine Red Cross Chairman Dick Gordon (2012), at Ombudsman Conchita Carpio Morales (2015).

Ipinagkakaloob ang taunang Rotary Peace Award ng Rotary Club of Makati, San Lorenzo simula noong 1999 bilang pagkilala sa mga taong isinasabuhay at pinalalaganap sa lipunan ang kanilang mga adbokasya ng kapayapaan at pakikisama.

Kinilala ng Rotary ang mga nagawa ni Charo bilang “global media leader” at sa paggamit sa media bilang malakas at maimpluwensiyang kasangkapan para sa pagtaguyod ng kapayapaan. Siya pa lamang ang media executive na ginawaran ng naturang parangal.

“I just hope that the men and women of the company, and the country show empathy to promote peace and compassion for a better place to live in,” wika Charo sa kanyang award.

Bagong karagdagan ang Rotary Peace Award sa napakarami nang parangal na ipinagkaloob sa Kapamilya bigwig.

Napanalunan ni Charo noong 2014 ang tatlong international na awards sa kanyang natatanging pamumuno at mga nagawa bilang president at CEO ng ABS-CBN. Nakuha niya ang Gold Stevie Award sa Female Executive of the Year in Asia, Australia, or New Zealand sa Stevie Awards for Women in Business; ang Gold Stevie Award para sa Woman of the Year category sa lahat ng mga bansa sa rehiyong Asia-Pacific (hindi kasama ang Australia at South Korea) sa 2014 Asia-Pacific Stevie Awards, at kinilala rin bilang Asian Media Woman of the Year ng ContentAsia, isang premyadong information resource na nangangalap ng balita sa industriya ng entertainment sa buong rehiyon ng Asia-Pacific.

Bago nagretiro noong nakaraang taon, si Charo ang nagsilbing chair ng International Emmys sa taong 2015, at ginawaran ng Outstanding Paulinian Alumna, bukod pa sa ibang parangal.

Sadyang mahusay, kaya kahit nagretiro na, patuloy pa rin siyang nakapatnubay sa ABS-CBN bilang executive adviser to the chairman, chief content officer, at presidente ng ABS-CBN University. (DINDO M. BALARES)