Nagsimula nang tumanggap ang Philippine Basketball Association ng enrolees para sa unang Batang PBA Clinic para sa mga kabataang edad 13-16.

Lahat ng mga interesadong aplikante ay kailangang magsumite ng application at waiver form sa PBA office sa Libis, Quezon City kalakip ang 2x2 ID pictures at school ID, orihinal na NSO birth certificate at P500 entry fee.

Ang mga application ay maaaring i-download mula sa PBA website (www.pba.ph) at PBA official facebook page (www.facebook.com/pba official) o kaya’ y personal na magtungo sa PBA office at hanapin si Miss Jo Gomez o Rouselle Ighot.

Ang deadline para sa pagpapatala ay sa Abril 25, 2016.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang screening ng lahat ng kalahok ay sa Abril 26 ganap na 10:00 ng umaga para sa 13 at 14 anyos, at Abril 27 naman ganap 10:00 ng umaga para sa mga edad 15 at 16 sa PBA office.

Ang unang dalawang sessions ay gaganapin sa Abril 30 at Mayo 1 sa Philippine Science High School Multi-purpose gymnasium sa Agham Road, Diliman Quezon City at ang huling dalawang sessions ay sa Mayo 7 at 8 sa UP College of Human Kinetics gym sa Diliman.

Bukod sa apat na sessions, ang mga mapipiling kalahok ay may pagkakataon ding makapaglaro sa taunang Batang PBA Summer League. (Marivic Awitan)