Isinusulong ng dalawang mambabatas ang pagtatayo ng isang freshwater aquaculture center para sa pagpaparami at produksiyon ng freshwater at crustacean species sa Agus River sa Baloi, Lanao del Norte.

Naghain sina Lanao del Norte 1st District Rep. Imelda Quibranza Dimaporo at Lanao del Norte 2nd District Rep. Abdullah D. Dimaporo ng House Bill 5788 na layuning magkaloob ng maraming benepisyo, tulad ng pagtiyak sa kasapatan ng pagkain, kabuhayan at pagpapabuti sa ekonomiya sa pamamagitan ng aquaculture industry.

Tatawagin itong Lanao del Norte Freshwater Aquaculture Center at isasailalim sa regulasyon at pangangasiwa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng Department of Agriculture (DA). (Bert de Guzman)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito