Kabilang ang mga empleayado ng Government Services Insurance System at Department of Labor and Employent, gayundin ang mga military personnel ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa makikibahagi sa gaganaping ‘Takbo Para sa Kagitingan’ fun run sa Sabado sa Luneta Park.

Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia, ang patakbo ang bahagi ng kanilang programa para sa pakikiisa sa pagdiriwang sa Araw ng Kagitingan.

Tampok ang 3k at 5k event sa programa na libre ang pagpapatala para sa publiko at iba pang empleyado ng pamahalaan.

Magsisimula ang karera ganap na alas-5 ng umaga sa Quirino Grandstand at tatahakin ang kahabaan ng Roxas Boulevard at pabalik pagdating sa Quirino Avenue.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“The response has been very positive” pahayag ni Garcia.

May nakalaang cash prize para sa mangungunang tatlong runner sa parehong kategorya, habang may singlet ang mangungunang 1,500 finisher.

Tumatanggap pa ng mga kalahok ang PSC secretariat na may numero bilang 5250808 loc.150, hanapin sina Lorna Lorico at Tin Leongson.