Mariing kinondena ng kampo ni United Nationalist Alliance (UNA) standard bearer Vice President Jejomar Binay ang maling impormasyong ipinakakalat umano ng mga tagasuporta ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, na lumitaw na ang kanilang kandidato ang nangunguna sa hanay ng mga vice presidentiable.

“He will continue to emphasize that our country needs an experienced and competent leader to work for inclusive growth that would ultimately benefit the poor who comprise majority of our country,” pahayag ni Atty. Rico Quicho, tagapagsalita ni Binay sa usaping pulitikal.

Abril 4 kumalat sa social media ang pekeng resulta ng Pulse Asia presidential survey na napaulat na naungusan ni Duterte si Sen. Grace Poe ng Partido Galing at Puso.

Habang iniulat din na umarangkada sa ikatlong puwesto si Liberal Party standard bearer Mar Roxas nang malampasan nito si Binay.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“It has come to our attention that a survey allegedly conducted from March 21 to 25 for ABS-CBN is being attributed to Pulse Asia. We did not conduct said survey,” pahayag ng Pulse Asia. “We do not conduct surveys during Holy Week, Holy Thursday and Good Friday in particular.” (Bella Gamotea)