Dumaan muna sa kawikaang butas ng karayom ang New San Jose Builders bago naungusan ang Our Lady of Lourdes Technological College-Takeshi, 90-84, kamakailan sa 2016 MBL Open basketball championship sa Rizal Coliseum.

Nagpasiklab nang husto sina Mark Maloles at Niko Lao sa isang makapigil-hiningang sagupaan upang ibigay sa NSJBI nina manager Jomar Acuzar at coach Ranier Carpio ang back-to-back victories sa eight-team tournament na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Bread Story, Dickies Underwear, PRC Couriers at Gerry’s Grill.

Ang 5-8 na si Maloles ay umiskor ng 22 puntos, kasama ang walong puntos sa fourth quarter na tumulong sa NSJBI na tuldukan ang laro.

Kumana si Lao, ang 6-2 forward mula sa Manuel Luis Quezon University, ng 21 puntos sa NSJBI, na nagwagi laban sa Jamfy-Secret Spices, 77-73.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagpakitang gilas din sa NSJBI sina 6-5 John Ambulodto, na may 11 puntos; at 6-5 Sorsogon recruit Jayson Grimaldo, na may limang puntos at 11 rebound

Nanguna si Jerome Garcia para sa OLLTC-Takeshi ni coach Monel Kallos sa kanyang 25 puntos.

Si Ivan Vilanueva, pumutok sa kanyang 34 na puntos sa panalo ng OLLTC laban sa Macway Travel Club, ay nalimitahan sa 16 marker.

Iskor:

New San Jose Builders (90) Maloles 22, Lao 21, Puspos 12, Ambulodto 11, Sumay 8, Grimaldo 5, Palogan 3, Telles 2, Santos 2, Gian 1, Sopranes 1.

OLLTC-Takeshi Motors (84)Garcia 25, Villanueva 16, Marilao 14, Villar 8, Ordonez 6, Sequilasao 6, San Diego 5, Reyes 2, Barrera 2, Gawingan 0. Brutas 0, Pineda.

Quarterscores 17-19, 41-36, 60-57, 90-84.