Rolling Stones copy

LONDON (AP) — Plano ng Rolling Stones na ilunsad ang kanilang bagong album, may posibilidad ngayong taon, ayon sa gitaristang si Ronnie Wood, nitong Lunes.

Matatandaang noong 2005 pa ang pinakahuli nilang studio album, ngunit sinabi ni Wood na sila ay nag-record na ng mga bagong awitin at ilang blues covers.

“We went in to cut some new songs, which we did,” pahayag ni Wood, 68. “But we got on a blues streak. We cut 11 blues in two days.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“They are extremely great cover versions of Howlin’ Wolf and Little Walter, among other blues people. But they really sound authentic.”

At nang tanungin kung kailan ilalabas ang bago nilang album, sinabi lamang ni Wood na: “This year.”

“When we heard them back after not hearing them for a couple of months, we were, ‘Who’s that? It’s you,’” ani Wood.

“It sounded so authentic.”

Katatapos lamang ng tour ng Rolling Stones, nagsimula bilang maliit na banda noong 1962, sa Latin America at nagkaroon din sila ng libreng show sa Marso 25. Pagkatapos noon ay nagtungo sila sa London para sa opening ng “Exhibitionism,” sa Saatchi Gallery.

Sabay-sabay dumating sina Mick Jagger, Keith Richards, Charlie Watts, at Wood sa gallery.

“There’s one coming,” ayon sa 72 taong gulang na gitarista. “I can’t say no more. My lips are sealed.”

Umabot na sa 22 studio album ang inilabas ng Rolling Stones sa Britain, at 24 naman sa United States. Ang “A Bigger Bang” ang pinakahuli na i-prinomote simula 2005, ’06 at ’07.

Muli nilang ipinagpatuloy ang tour noong 2012 kasabay ng pagdiriwang ng kanilang ika-50 anibersaryo, ngunit iilan lamang ang kanilang bagong kanta noon.

“We’re a working band,” ani Wood. “We’ll be working again before the end of the year.”