Pumalag ang kampo ni Makati City Mayor Romulo “Kid” Peña sa umano’y pamumulitika ni Councilor Marie Alethea Casal-Uy tungkol sa pamamahala ng alkalde sa siyudad.

Ayon kay Makati Public Information Office (PIO) Officer-In-Charge (OIC) Gibo Delos Reyes, sa halip na dumakdak si Uy ay tumulong na lang ito sa pagresolba sa problema sa Ospital ng Makati (OsMak) sa mahigit dalawang linggo nang kawalan ng air-conditioner.

Bukod kay Uy, hindi rin tumutulong ang karamihang konsehal at hindi nagbibigay ng suhestiyon upang hanapan ng solusyon ang problema ng ospital.

“All talk but no action. Mayor Peña admitted that there were lapses at OsMak brought by problems from the previous administration but at least he is doing something about it. She is part of the city council but did they act on the problems at OsMak. As elected individuals, the councilors are also expected to take action and not just pin the blame on the mayor,” ani Delos Reyes.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Tinawag namang alibi ang katwiran ni Uy sa pagkakaantala ng P50-milyon budget para sa Government Internship Program (GIP) upang hindi umano magamit sa pulitika ang may 6,000 estudyante sa kolehiyo na makikinabang sa naturang programa.

Nitong Lunes, nasa 100 estudyante ang nagprotesta sa harapan ng Makati City Hall upang hilingin na ibalik ang GIP na malaking tulong sa kanilang pag-aaral. (Bella Gamotea)