SA kanyang panayam sa Fashion Magazine ng Canada, nagsalita na si Olivia Munn tungkol sa usap-usapan na pagpaparetoke umano niya na nagsimulang kumalat nitong unang bahagi ng taong kasalukuyan.
“Being multi-ethnic ― I’m half Chinese, half white ― brings up a whole set of complications that people don’t even think about when it comes to being photographed,” pahayag niya sa Fashion. “I have more of a white appearance on the outside, but my bone structure is very much Asian. I have high cheekbones and smaller eyes.”
Itinuro rin niya ang makeup palette at sinabing: “When you put shimmer on the inside of my eyes, I immediately look cross-eyed,” pagpapatuloy ni Munn. “If you put too heavy of an eyelash on me, it looks like my eyes are halfway closed.”
At kahit kinukuwestiyon ng mga tagahanga, sinabi ni Munn na lahat ng iyon ay parte ng kanyang buhay bilang artista.
“As an actor, you can be completely transformative and take on different roles. As an individual in the world, it’s a totally different story―we live in a time where there’s so many pictures that bring so much scrutiny,” paliwanag ng X-Men actress. Kapag nagbago ang iyong mukha dahil sa makeup, mahiraps kumbinsihin ang mga tao na hindi ka sumasailalim sa kahit na anong operasyon.
Bukod pa riyan, napuna rin ng mga tao ang pagbaba ng kanyang timbang, pagbabago ng hugis ng kanyang kilay, at maging sa pagkain ng Japanese potatoes — harina na may mataas na acid na nakatutulong sa pagtanggal ng wrinkles.
“Who says guys are the only ones who can get better with age?” tanong niya sa kanyang Instagram account. (US Weekly)