Kung may dapat abangan sa gaganaping ika-59 Palarong Pambansa, ito’y ang mga atleta ng Negros Island Region (NIR), ang pinakabagong rehiyon, na sasabak sa taunang torneo para sa mga atletang estudyante sa Abril 10, sa Legazpi City, Albay.

Isasabak ng NIR ang kabuuang 747-men delegation, kabilang ang 481 atleta.

Ayon kay Department of Education (DepEd)-NIR Regional Director Gilbert Sadsad, pinaghandaang mabuti ng rehiyon ang Palaro upang patunayan na may angking talento ang mga atleta ng Negros.

“Although this is the first time, we will do our best to compete [with the other regions]. We are ready [and] we are vying for championship,” pahayag ni Sadsad.

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

Kabilang ang paglahok ng NIR sa naipahayag ni DepEd Secretary Br. Armin Luistro na maraming babantayang kaganapan ang Palaro.

“I want to highlight that this is Albay’s first ever hosting of the Palaro. This is also the first time that 18 regions will take action—not the usual 17 regions—because of the participation of the Negros Island Region,” pahayag ni Luistro.

Sadsad sa pagsasanay ang atleta ng NIR, tampok ang 25-day training programa nitong Marso 1-28.

“We conducted concentration (trainings) financed by the local government of Negros Occidental, Negros Oriental, and some cities, that also extended financial assistance to the athletes during the training for 25 days,” ayon kay Sadsad.

Bukod sa regular athletes, sinabi ni Sadsad na may ipadadala ring atleta ang NIR sa special games.

Kabilang ang special games sa tampok na programa ngayong taon kung saan maglalaban ang mga atletang may kapansanan sa athletics, swimming, goal ball, at Bocce – isang uri ng laro na maihahalintulad sa bowling.