PANALO ang pamilyang Pilipino linggu-linggo sa masaya at naiibang bonding experience hatid ng worldwide hit game show na Family Feud simula Sabado (April 9) sa ABS-CBN, ang game show capital ng bansa.

Kaabang-abang ang Pinoy edition ng hit franchise lalo na ang mga pamilyang Pilipinong sasali dahil kilalang likas na kuwela, masayahin at palaban ng mga Pilipino sa ano mang paligsahan.

Mas madadagdagan ng buhay at sigla ang palabas dahil ang premiere TV host ng bansa na si Luis Manzano ang magiging host ng show. Nang tanungin kung ano ang pakiramdam na siya ang napiling host ng sikat na game show, sabi ni Luis, “Nakakataba naman lagi ng puso na mapili bilang host ng isang napakalaking programa tulad nito. Lagi ring may pressure lalo pa’t ako mismo ay fan ng Family Feud.”

Open book na malakas ang bond ni Luis sa kanyang sariling pamilya at kilala ring mahusay sa pagbanat at pag-timing sa pagpapatawa kaya sigurado na ang katuwaan at kasiyahang hatid niya sa lahat.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Hindi lang kapamilya ng lalahok ang magiging bida kundi pati na rin extended family, mga kaibigan, kaopisina, atbp.

Magsisimula ang Family Feud sa tinatawag na “Face Off” na isang kinatawan ng bawat pamilya ang huhula ng pangkaraniwang sagot sa isang tanong na hinarap via survey sa 100 katao.

Ang manlalaro na makakuha ng pinakapopular na sagot, na tinatawag na “Number One Answer”, ang papasok sa “Completing the Board” round kasama ang kanyang mga kapamilya.

Sa “Completing the Board” round, sasagutin ng lahat ng miyembro ng pamilya ang parehong katanungan ngunit kung makakakuha sila ng tatlong maling sagot, maaaring subukan ng kabilang pamilya ang tanong para makuha ang puntos nila sa round na iyon.

Ang pamilyang na mas marami ang puntos sa katapusan ng dalawang rounds ang tutuloy sa huling round, ang “Fast Money” round.

Sa “Fast Money” round, dalawang miyembro ng pamilya ang bibigyan ng tig-25 segundo para sagutin ang limang katanungan. Sa pinagsamang puntos nakasalalay kung anong premyo ang maiuuwi ng pamilya.

Sa mga nakarang taon, nanatiling game show capital ang ABS-CBN sa husay na pinapakita nito sa pag-localize ng game show franchises tulad ng Deal or No Deal, 1 vs 100, Wheel of Fortune, at The Price is Right. Kaya naman mas pinagkakatiwalaan ang media and entertainment company ng malalaking franchise dahil na rin sa mataas na kalidad ng produksiyon, mas maraming manonood, at mataas na ratings.

Huwag palampasin ang Family Feud tuwing Sabado pagkatapos ng SOCO at tuwing Linggo pagkatapos ng Kapamilya Blockbuster sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).