SISON, Pangasinan - Inimbitahan ng pulisya ang grupo ng mga lokal na kandidato ng Liberal Party (LP) at isang driver para imbestigahan sa nangyaring gulo sa isang political rally sa Barangay Labayug, Sison, Pangasinan.

Ayon sa ulat mula sa Sison Police, nasa kalagitnaan ng rally ng mga lokal na kandidato, sa pangunguna ni Bokal Danilo Uy at ng mga kandidatong konsehal na sina Dominador Padua, Edgardo Jovenal, Atty. Rex Bilagot, at Benson Jerome Aquino, nang manggulo ang maingay na trumpa ni Arnulfo Alvarez, 58, driver, ng Bgy. Paldit, Sison.

Dakong 7:45 ng gabi nitong Abril 2 nang magkainitan ang mga kandidato at si Alvarez, at sa huli ay binugbog umano ni Aquino ang driver. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?