Tumaas ang annual inflation ng Pilipinas noong Marso dahil sa pagmahal ng presyo ng mga bilihin, ngunit pasok pa rin ang tulin nito sa inaasahan ng mga analyst at ng central bank, sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) kahapon.

Umarangkada ang consumer price index sa Marso ng 1.1 porsiyento mula sa nakaraang taon, sumakto sa taya ng mga analyst at pasok sa 0.6-1.4% na tinaya para sa taon.

Nananatili sa 1.5% ang core inflation sa Marso, habang ang presyo ng mga bilihin ay tumaas ng 0.1% mula sa nakaraang buwan.

Target ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang 2-4% sa 2016 at 2017.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Ang opinyon ng 13 ekonomista ay nagprodyus ng median forecast na 1.1% para sa annual inflation sa Marso, kumpara sa 0.9% ng Pebrero, pinakamababa sa loob ng apat na buwan.

Sa policy meeting nito noong Marso 23, hindi binago ng BSP ang benchmark interest rate nito na nasa 4%, simula Setyembre 2014, at binawasan ang price forecast para sa taong ito at sa susunod pa. Inasahan ng BSP na maglalaro ang inflation sa 2.1% sa 2016 at 3.1% sa 2017, mas mababa kaysa tinatayang 2.2% at 3.2% sa nakaraan. (Reuters)