Nananatili pa ring nangunguna si Senator Francis “Chiz” Escudero sa mga kandidato sa pagka-bise presidente, habang nangulelat naman ang kanyang mahigpit na kalaban na si Senator Ferdinand Marcos Jr. sa Bilang Pilipino-SWS Mobile Survey.

Ayon sa naturang survey, na isinagawa nitong Marso 31 na may 1,200 respondent, nakakuha ang vice presidentiable ng Partido Galing at Puso PGP) ng 31 porsiyento habang si Marcos ay may 26 na porsiyento.

Pangatlo si Camarines Sur Rep. Leni Robredo, na may 25 porsiyento; Sen. Alan Peter Cayetano, 13 porsiyento; Sen. Antonio Trillanes IV, tatlong porsiyento; at Sen. Gregorio Honasan, isang porsiyento.

Nanguna si Escudero sa Balance Luzon sa nakuha nitong 38 porsiyento, samantalang nanguna naman si Marcos sa Metro Manila na may 32 porsiyento.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Si Robredo naman ang nanguna sa Visayas at Mindanao na nakakuha ng 38 at 24 porsiyento.

Sa parehong survey, lumabas na si Marcos ang pinakaayaw na maging bise presidente ng 22 porsiyento ng mga botante.

Labintatlong porsiyento ng mga respondent naman ang may ayaw kina Trillanes at Honasan.

Samantala, nangunguna pa rin si PGP standard bearer Sen. Grace Poe sa SWS mobile survey na umani ng 34 porsiyento na sinundan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na may 31porsiyento. (Leonel Abasola)