Kris-Aquino-and-Boy-Abunda copy

MAY bali-balita na si Sharon Cuneta ang makakasama ni Boy Abunda sa newest TV project na inihahanda ng ABS-CBN. Pero wala pa kaming makuhang detalye tungkol sa bagay na ito, kung totoo nga ba o hindi. Wala pang alam o ayaw lang yatang magsalita ng mga taong tinatanong namin tungkol dito.

Marami rin ang nagtatanong kung kailan naman muling magsasama sina Kuya Boy at Kris Aquino.

“You know, kami naman ni Kris, eh, we don’t plan. Pero if you’re asking me when will we work together again, well, I don’t know. P’wede bukas, it could be a month from now, it could be a year, ‘di namin alam. Pero we talk every day,” sagot ni Kuya Boy nang makausap namin sa studio ng kanyang programang Tonight With Boy Abunda.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

Suportado niya ang pansamantalang pamamahinga ni Kris sa showbiz.

“Gusto ko ‘yung realization ni Kris na hindi p’wedeng lahat trabaho na lang. We can be more effective in what we do when we give ourselves time to look, to view what we do. Kailangan din naman natin ang relaxation to give ourselves tone to look, to view what we do,” banggit ng host pa rin ng programang Bottomline.

Aminado ang premyadong TV host na kailangang seryosohin ni Kris ang pangangalaga sa kalusugan. Para mas magawa raw ng Queen of All Media ang mga bagay na makapagpasaya sa kanya, hindi niya dapat pabayaan ang sarili lalo na ang kalusugan.

“Sa totoo lang naman, kung hindi tayo malusog, eh, paano natin magagawa ang mga bagay na gusto nating gawin? Ito ‘yung mga bagay that you’re passionate about. And sometimes it takes a long while, it takes a journey for us to realize,” seryosong lahad ng mahusay na TV host.

Inihalimbawa ni Kuya Boy ang pagkakaospital niya dalawang taon na ang nakararaan. Marami siyang na-realize at naging lesson sa pangyayaring iyon.

“Isa ‘yon sa most horrifying experiences I had in my life. Hindi nga siya life-threatening pero masakit para sa akin. Doon mo mari-realize, I mean, looking back now, na kahit gustuhin mo kapag hindi kaya na ng katawan mo, wala rin, di ba?” aniya.

Samantala, ayon pa sa King of Talk, walang kabalak-balak si Kris na tuluyang iwanan ang showbiz.

“Kris has a lot of endorsements at very active ‘yan sa social media. Kumbaga, can we imagine showbiz kung walang Kris Aquino?” napatawang banggit pa niya. (JIMI ESCALA)