SA hanay ng mga presidentiable, talaga yatang minamalas si VP Jojo Binay. Bakit kanyo? Dahil nakasilid na dati sa kanyang bulsa ang mahigit isang milyong boto ng tinatawag na ONE-CEBU Party ng Garcia Family, ang makapangyarihan at maimpluwensiyang pamilya sa lalawigan. Nangako si Winston Garcia, kandidato sa pagka-governor sa Cebu City, na ipagkakaloob nila ang isang milyong boto para kay Mayor Rodrigo Duterte sa halip na kay Binay, tulad ng ginawa ng kanyang ama, noon ay Cebu Gov. Pablo Garcia, kay ex-Pres. Gloria Macapagal-Arroyo. Tinambakan ni GMA si movie king Fernando Poe Jr., ama ni Sen. Grace Poe, ng mahigit isang milyong boto dahilan upang siya ang manalo.

Parang minamalas din si ex-DILG Sec. Mar Roxas, pambato ng Liberal Party (LP), bunsod naman ng limang oras na blackout sa NAIA Terminal 3 noong Sabado na pumerhuwisyo sa libu-libong pasahero na naging dahilan din ng pagkansela ng 83 biyahe. Hindi kasalanan ang blackout ni Roxas, pero dahil ang NAIA ay pinatatakbo ng DOTC at ng gobyerno, may tama siya rito.

Bukod sa NAIA blackout, tinamaan din si Roxas sa Kidapawan (North Cotabato) farmers’ protest na nabatikan ng karahasan. Tatlong magsasaka ang namatay, marami ang sugatan. Ayon sa mga report, nanghihingi umano ng bigas at binhing palay ang mga magsasaka sa awtoridad sa North Cotabato, pero sa halip na bigas, mga bala raw ang ipinagkaloob sa kanila. Muli, walang kinalaman dito si Roxas at si PNoy, pero tulad ng dati, kasama sila sa sinisisi.

Ayon sa mga ulat, hinarangan ng mga magsasaka ang pangunahing highway sa lugar kung kaya’t walang mga behikulo ang nakararaan doon patungo sa Iligan City, Cagayan de Oro City at iba pang lugar sa Mindanao.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Maliwanag na walang kinalaman dito sina Roxas at PNoy. Ngunit, dahil panahon ngayon ng halalan, sa kanila binubunton ng mga kalaban at kritiko ang sisi.

Excuse me po, VP Binay at Mar Roxas, baka makabawas ang mga ito sa inyong boto.

Maraming nagsasabi na kung susuriing mabuti, nagantimpalaan na ng sambayanang Pilipino ang pamilya nina ex-Sen. Ninoy Aquino at Titay Cory. Si Ninoy ay ipinakulong ni ex-Pres. Marcos at pinaslang pa sa tarmac ng Manila International Airport nang magbalik mula sa US noong 1983.

Bilang pagkilala sa sakripisyo at paghihirap ng Aquino Family sa diktaduryang Marcos, iniluklok si Cory bilang pangulo noong 1986. Maraming kamag-anak ang mga Aquino at Cojuangco ang inilagay din sa puwestong pambayan tulad ng mga Sumulong at Tanjuatco sa Rizal. Inihalal sina Butch Aquino at Tessie Aquino-Oreta bilang mga senador.

Noong 2010, inihalal ng taumbayan si Noynoy bilang pangulo. Marahil ay sapat na ang pasasalamat at pakikisimpatiya ng mga Pilipino sa Pamilyang Aquino. Kailangan naman ang ibang mga lider na mangangasiwa sa timon ng kapangyarihan ng bansa.

***

Aba, nag-aabang pala ang anak ng yumaong diktador, si Sen. Bongbong Marcos, na nakadikit ngayon sa survey ratings ng nangungunang si Sen. Chiz Escudero. Kapag nahalal si Bongbong at namatay ang nakaupong pangulo, balik ang inog ng kapangyarihan sa ‘Pinas! (Bert de Guzman)