Taylor Swift

LOS ANGELES (AP) – Sa magkasunod na dalawang taon, ang iHeartRadio Awards ay naging iHeartTaylorSwift show.

Hindi lang basta hinakot ni Taylor Swift ang tatlong award, kabilang ang album of the year, kundi nagsipag-uwi rin ng kani-kanyang tropeo ang kanyang best friend at boyfriend.

Nasungkit ang maraming parangal noong nakaraang taon, tinanggap din ni Taylor ang una at huling award nitong Linggo ng gabi — ang female artist at album of the year. Iniuwi rin niya ang best tour honors para sa kanyang star-studded na 1989 World Tour, at pinasalamatan ang kasintahang si Calvin Harris (Adam Wiles ang tunay na pangalan) mula sa entablado.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

“For the first time, I had the most amazing person to come home to when the spotlight went out and when the crowds were all gone,” sabi ni Taylor. “So I want to thank my boyfriend Adam for that.”

Nasungkit ni Calvin ang dance artist of the year, habang napanalunan naman ni Selena Gomez, best friend ni Taylor, ang “biggest triple threat” award.

Tinanggap nina Bono at Edge ng U2 ang Innovator Award, na iprinisinta ng nagwagi nito noong nakaraang taon na si Pharrell Williams.

Ang song of the year ay iginawad kay Adele para sa Hello. Tinanggap niya ang parangal via video mula sa pagtatanghal niya sa Birmingham, England.

Nanalo rin sa fan-voted show sina Fetty Wap (best new artist), Pitbull (Latin artist of the year) at Chris Brown (R&B artist of the year). Nagtanghal din ang tatlo sa show.

Hosted ni Jason Derulo, nag-perform din sa iHeartRadio Awards sina Justin Bieber, na nanalo ng male artist of the year at dance song of the year award; Meghan Trainor; Demi Lovato at Brad Paisley; Iggy Azalea; Zayn Malik; ang DNCE, The Weeknd, at Maroon 5 (duo or group of the year).