Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ricardo Marquez ang lokal na pulisya sa Kidapawan City na magsagawa ng background check sa lahat ng umano’y magsasaka na naaresto matapos ang madugong dispersal operation sa Makilala-Kidapawan highway sa North Cotabato nitong Biyernes.

Ito, aniya, ay upang maberipika ang kanilang natanggap na intelligence information na napasok ng New People’s Army (NPA) ang hanay ng mga magsasaka ng North Cotabato matapos magpositibo ang isang namatay nilang kasamahan sa paraffin test habang nadiskubre rin ng awtoridad na isa sa mga naaresto ay miyembro ng NPA.

Matatandaan na tatlong katao ang patay habang mahigit 50 iba pa ang nasugatan sa marahas na dispersal operation ng lokal na pulisya sa mahigit 5,000 magsasaka na tatlong araw na nagbarikada sa Makilala-Kidapawan highway.

Ayon naman sa PNP, umabot sa 99 ang mga pulis na nasugatan sa insidente at isa rito ang kritikal pa rin.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Nagpalitan ng akusasyon ang pulisya at mga raliyista ng pamamaril at pambabato na nagbunsod sa karahasan.

Subalit tiniyak ng PNP chief na isusulong nila ang kasong kriminal laban sa mga raliyista na sangkot sa insidente. (Aaron Recuenco)